Malaki ang ginagampanan ng social media, lalo na sa kabataan
ngayun. Nais kong malaman ninyo at maintindihan ang mabuting gampanin ng social
media.
Bilang isang mag-aaral, masasabi ko na malaki ang naitutulong
nito sa akin lalo na sa aking edukasyon. Napakadami ng social networking sites
na kumakalat ngayun. Ang isa na sa mga ito ay ang “google”. Bilang isang
estudyante, dito ako nakakakuha ng mga kahulugan ng mga nais ko pang malaman.
Ito ay nakakatulong sa akin dahil dito ako nakakuha ng inpormasyon lalo na kung
may mga PT’s, Homework o assignment kaming ginagampanan. Dito din nakakapagsalisik
ka ng kung ano nga ba ang nangyayaring issue sa ating bansa at dito makakakita
ka ng iba’t ibang saluobin ng tao. Isa pa sa mga sikat na social media sites
ngayun ay ang “facebook”. Halos lahat ng tao sa PIlipinas ay gumagamit nito.
Dahil sa sobrang kasikatan nito nagiging isang paraan ito ng
pakikipagkomunikasyon. Dito isang pindot mo laang maari kang magmessage o
tumawag sa iyong kaklase, kaibigan, mahal sa buhay at lalo na sa mga taong
malayo sayo at nasa ibang bansa. Napakabuti nito dahil kahit malayo sila
nakakausap mo sila at nakakatawagan ng kahit anong oras sa pamamagitan ng
facebook. Maari kang magbigay ng mga inpormasyon lalo na sa inyong mga
kamag-anak kung may maganda o masama mang nangyari na dapat nilang malaman.
Bilang isang magaaral, ito din nagiging komunikasyon namin sa mga dapat gawin
lalo na kung may mga prokeyto kaming panggrupo. Sa pamamagitan ng facebook. makakalaganap
ka ng mga inpormasyon at issue sa ating bansa. Isa sa napagandang halimbawa
nito ay ang mga nasalinta ng bagyo. Dahil sa social media lumaganap at nalaman
nang madaming tao ang nangyayare sa mga naapektuhan ng bagyo. At dahil din dito,
madami ang nahabag at tumulong sa kanila. Intagram, ito ay isang site kung saan
makakapagpost ka ng mga litratro. Masasabi kong mabuti din ito dahil ang mga
litrato na maari mong makita at malaman sa isang tao ay nagpapakita ng kanyang
interes. Nagpapakita din ito ng mga issue na laganap ngayun. Maari ka ding
makapagmassage dito sa isang tao.
Napakadami nang maaring maitulong ng social media sa atin. Sa
trabaho at pagkakakitaan pwede mo itong magamit. Napakadami na ng sites ng
“online shopping” ngayun. Dito sila nagbebenta at mas nakakatipid dahil hindi
na nila kailangan ng pwesto at transportation dahil ipinopost lang nila ang
kanilang mga produkto. Dito din makakahanap ka ng trabaho dahil merong mga
kumpanya na tumatanggap ng mga applicants via online. Dito sila nagiinterview
at nagpapasa ng mga resume. Kaya’t napakalaki ng tulong nito sa atin sa kahit
anong aspeto. Isa pa sa mga natutulong ng social media ay ang kapag may mga
kandidato. Dahil sa social media maari kang makakuha ng mga information about
sa kanila kung dapat mo ba silang iboto o hindi. Kaya’t masasabi ko na napakalaki
ng naitutulong nito sa atin dahil ito ay nagiging parte ng ating buhay at ng
ating kinabukasan. Hindi maiiwasan sa mga gumagamit nito lalo na sa kabataan
ang disadvantages ng social media. Ngunit nasa ating mga kamay padin kung pano
natin ito lilimitahan at gagamitin.
https://www.google.com.ph/searchrlz=1C1CHBD_enPH693PH693&biw=1024&bih=662&tbm=isch&sa=1&btnG=Search&q=social+media#imgrc=9XrdZFw6vz_KGM%3A
