Biyernes, Nobyembre 11, 2016

Social Media Para sa Atin










Malaki ang ginagampanan ng social media, lalo na sa kabataan ngayun. Nais kong malaman ninyo at maintindihan ang mabuting gampanin ng social media.
Bilang isang mag-aaral, masasabi ko na malaki ang naitutulong nito sa akin lalo na sa aking edukasyon. Napakadami ng social networking sites na kumakalat ngayun. Ang isa na sa mga ito ay ang “google”. Bilang isang estudyante, dito ako nakakakuha ng mga kahulugan ng mga nais ko pang malaman. Ito ay nakakatulong sa akin dahil dito ako nakakuha ng inpormasyon lalo na kung may mga PT’s, Homework o assignment kaming ginagampanan. Dito din nakakapagsalisik ka ng kung ano nga ba ang nangyayaring issue sa ating bansa at dito makakakita ka ng iba’t ibang saluobin ng tao. Isa pa sa mga sikat na social media sites ngayun ay ang “facebook”. Halos lahat ng tao sa PIlipinas ay gumagamit nito. Dahil sa sobrang kasikatan nito nagiging isang paraan ito ng pakikipagkomunikasyon. Dito isang pindot mo laang maari kang magmessage o tumawag sa iyong kaklase, kaibigan, mahal sa buhay at lalo na sa mga taong malayo sayo at nasa ibang bansa. Napakabuti nito dahil kahit malayo sila nakakausap mo sila at nakakatawagan ng kahit anong oras sa pamamagitan ng facebook. Maari kang magbigay ng mga inpormasyon lalo na sa inyong mga kamag-anak kung may maganda o masama mang nangyari na dapat nilang malaman. Bilang isang magaaral, ito din nagiging komunikasyon namin sa mga dapat gawin lalo na kung may mga prokeyto kaming panggrupo. Sa pamamagitan ng facebook. makakalaganap ka ng mga inpormasyon at issue sa ating bansa. Isa sa napagandang halimbawa nito ay ang mga nasalinta ng bagyo. Dahil sa social media lumaganap at nalaman nang madaming tao ang nangyayare sa mga naapektuhan ng bagyo. At dahil din dito, madami ang nahabag at tumulong sa kanila. Intagram, ito ay isang site kung saan makakapagpost ka ng mga litratro. Masasabi kong mabuti din ito dahil ang mga litrato na maari mong makita at malaman sa isang tao ay nagpapakita ng kanyang interes. Nagpapakita din ito ng mga issue na laganap ngayun. Maari ka ding makapagmassage dito sa isang tao.
Napakadami nang maaring maitulong ng social media sa atin. Sa trabaho at pagkakakitaan pwede mo itong magamit. Napakadami na ng sites ng “online shopping” ngayun. Dito sila nagbebenta at mas nakakatipid dahil hindi na nila kailangan ng pwesto at transportation dahil ipinopost lang nila ang kanilang mga produkto. Dito din makakahanap ka ng trabaho dahil merong mga kumpanya na tumatanggap ng mga applicants via online. Dito sila nagiinterview at nagpapasa ng mga resume. Kaya’t napakalaki ng tulong nito sa atin sa kahit anong aspeto. Isa pa sa mga natutulong ng social media ay ang kapag may mga kandidato. Dahil sa social media maari kang makakuha ng mga information about sa kanila kung dapat mo ba silang iboto o hindi. Kaya’t masasabi ko na napakalaki ng naitutulong nito sa atin dahil ito ay nagiging parte ng ating buhay at ng ating kinabukasan. Hindi maiiwasan sa mga gumagamit nito lalo na sa kabataan ang disadvantages ng social media. Ngunit nasa ating mga kamay padin kung pano natin ito lilimitahan at gagamitin.


https://www.google.com.ph/searchrlz=1C1CHBD_enPH693PH693&biw=1024&bih=662&tbm=isch&sa=1&btnG=Search&q=social+media#imgrc=9XrdZFw6vz_KGM%3A

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento